Letting Go

Madaling sabihin, pero mahirap gawin. Ang pag experience natin sa pag Let go ay di lang sa lovelife. Pwede din to sa kaibigan na aalis na. Maaring sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na. O di naman kaya sa mga gamit na di natin kaya mawala o ibigay sa iba. Bakit nga ba tayo hirap mag “let go”? Siguro dahil importante ang taong to. O kaya naman mahal natin. Paminsan ayaw natin mag let go kasi nakasanayan na natin. Sa madaling sabi kaya tayo nahihirapan mag “let go” dahil ayaw natin mawala ang bagay o tao na ito sa buhay natin. Tulad na lang ng first day sa school ng isang bata. Madalas ang mangyayare ay iiyak yung bata dahil ayaw mahiwalay sa mama o sa papa nya. Parang sa buhay natin, Iiyak tayo pag iniwan tayo ng mga taong inaasahan natin na andyan para satin. Nasanay na tayo andyan sila sa tabi natin kaya naman pag nawala sila ay nanghihina na tayo. Pero tulad nga ng batang unang araw sa pag pasok sa school, sa pag iwan sakanya mas natuto siya, mas maraming siya nakilala, madami siyang naenjoy na bagay. Baka naman sa di natin pag “let go” maraming bagay tayo di ma experinece dahil doon. Sabi nga sa buhay marami tayong pinag dadaanan na mahihirap, wag kasi tayo tumambay, daanan lang natin. Kaya naman mag let go ka na. Alisin mo na yang lungkot o kaya galit sa puso mo. Balang araw magugulat ka na lang nakapag move on ka na. Kaya mo na ngumiti tulad ng dati.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s