ROASTED CHICKEN ALA GORGEOUS 

This past few weeks, I was addicted in anything that can be bake in the oven. I also tried to roast a chicken for the first time. Actually it is not my original recipe. Nag search ako ng mga tutorial sa YouTube then pinag halo halo ko lang yung mga similar ingredients na nabanggit 


Ingredients 

  1. 1kg chicken 
  2. 1 whole orange sakin kasi tag tipid ako. Kung di kayo matipid go push ang dalawa
  3. 1 tablespoon of rosemary 
  4. 1 teaspoon of paprika or more basta kaya icoat yung chicken
  5. 1 teaspoon onion powder 
  6. 3 cloves of garlic or more depende sa trip mo
  7. 1/3 cup of honey 
  8. 1/4 olive oil
  9. 1 teaspoon of salt
  10. Pepper 

Instructions 

  1. Iiwan nyo muna ang chicken ng 30mins sa labas ng ref pero dapat ng defrost na. Sabi nila mas maaabsorb daw ng manok yung pag marinate
  2. Sa isang bowl ihalo mo na lahat ng ingredients except dun paprika. Kung dalawang orange ang gagamitin mo yung isa lang isqueeze mo dun. Yung isa hahatihatiin mo ng pabilog. 
  3. After nun saka mo iadd yung manok. Imarinate mo siya for about 3 hours minimum, pero mas ok kung overnight. Sakin kasi biglaan yung pag luluto ko. 
  4. After nun pag isasalang mo na yung chicken. Preheat mo yung oven ng 190 c or 375 f. Habang preheat yung oven lagyan mo ng paprika yung balat ng manok. 
  5. Iroast mo siya ng 45mins to 1hr.

Serving size: 6-8 depende kung gaano kalakas kumain. Pero kami sa family 8 sakto naman kasi may nga bata. Enjoy 😊❤️

Advertisements

Exploring the North

Breathtaking views, fun roadtrip and unforgettable experience with the family. Surely the hours of travel will be worthy.

First stop: Manaoag

We are devoted in Our Lady of Manaoag Church. Kaya naman everytime na mag travel kami papuntang North, we assure that we could at least visit and pray in the church. Sa ngayon easy na lang ang travel dahil ang dami ng expressways. Kaya naman talaga less hassle na.

Second Stop: Ilocos Sur

Calle Crisologo at night

Nakarating na kami ng Vigan gabi na. Medyo di recommended mag travel pag holidays o kaya Holy Week kasi sobrang dami ng tao, medyo traffic kaya mas mahaba travel time. Tips from gorgeous: Mag pa book na kayo ng hotel especially kung peak season. Sobrang hirap mag mahanap ng hotel. So ayun na nga after namin makahanap ng hotel kumain na kami sa Calle Crisologo. Affordable ang food plus masarap pa. Maraming ihaw ihaw, mga lutong bahay na ulam. Kaya enjoy at sulit ang food trip plus idadag mo pa ang magandang view ng Vigan tuwing gabi. Para ka talagang bumalik nung panahon ng mga Kastila. 

Vigan Cathedral
Kalesa Kalesa

Noong umaga after namin mag breakfast nag dasal muna kami sa Vigan Cathedral at nag sindi ng kandila. Nag tour na din kami sumakay kami ng kalesa sobrang affordable lang P150 igagala ka na nya ng vigan tapos hihintayin ka pa sa mga gagalaan mo. Kung ayaw mo naman may rental bikes din dun.  

(Dalawang beses ako bumalik ng Ilocos sur. Mas naikot ko siya ng pangalawang beses mag popost na lang ako ng hiwalay na blog para dun)


Third stop: Ilocos Norte

Bangui Windmill
Paoay Church

President Ferdinand Marcos also called “Apo Lakay” by the Ilocanos. May entrance fee po dito. Iba yung rate ng estudyante. Ang pag kakatanda ko P50 ang regular rate. 
Blue Lagoon

Of course di kumpleto ang summer pag walang swimming. Medyo crowded nung pumunta kami pero enjoy parin. Yung mga pinsan ko nag try ng banana boat. Masaya naman 2500 ata yun tapos 5 pwede kaya kung mag babarkada kayo hati hati. 

After nun pumunta kaming Cagayan Valley. Medyo nakatipid kami sa mga accommodation kasi yung iba bahay ng mga kakilala. Sobrang haba ng biyahe pero masaya naman at nag enjoy ang lahat. 

Letting Go

Madaling sabihin, pero mahirap gawin. Ang pag experience natin sa pag Let go ay di lang sa lovelife. Pwede din to sa kaibigan na aalis na. Maaring sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na. O di naman kaya sa mga gamit na di natin kaya mawala o ibigay sa iba. Bakit nga ba tayo hirap mag “let go”? Siguro dahil importante ang taong to. O kaya naman mahal natin. Paminsan ayaw natin mag let go kasi nakasanayan na natin. Sa madaling sabi kaya tayo nahihirapan mag “let go” dahil ayaw natin mawala ang bagay o tao na ito sa buhay natin. Tulad na lang ng first day sa school ng isang bata. Madalas ang mangyayare ay iiyak yung bata dahil ayaw mahiwalay sa mama o sa papa nya. Parang sa buhay natin, Iiyak tayo pag iniwan tayo ng mga taong inaasahan natin na andyan para satin. Nasanay na tayo andyan sila sa tabi natin kaya naman pag nawala sila ay nanghihina na tayo. Pero tulad nga ng batang unang araw sa pag pasok sa school, sa pag iwan sakanya mas natuto siya, mas maraming siya nakilala, madami siyang naenjoy na bagay. Baka naman sa di natin pag “let go” maraming bagay tayo di ma experinece dahil doon. Sabi nga sa buhay marami tayong pinag dadaanan na mahihirap, wag kasi tayo tumambay, daanan lang natin. Kaya naman mag let go ka na. Alisin mo na yang lungkot o kaya galit sa puso mo. Balang araw magugulat ka na lang nakapag move on ka na. Kaya mo na ngumiti tulad ng dati.